Hidwaan sa pagitan ng 2 kumander ng MILF sa Shariff Saydona Mustapha, tinuldokan na matapos mamagitan si Governor Datu Ali Midtimang, militar, MILF CCCH at iba pang opisyal
- Diane Hora
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Nagkasundo na sina Commander Zainodin Kiaro ng 118th Base Command ng MILF at Commander Gani Adam ng 128th Base Command na tapusin na ang namamagitang alitan sa kanilang grupo sa isinagawang rido settlement.
Namagitan mismo sa pag-aayos ng dalawang panig si Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang.
Nanguna rin sa rido settlement ng dalawang BIAF commander si MILF CCCH chairperson at Member of Parliament Butch Malang, at 601st Brigade Commander, BGen. Edgar Catu. Sinaksihan din ito ni PNP PRO BAR Regional Director, Police BGen. Jaysen De Guzman, Maguindanao del Sur Provincial Police Office Director, Police Col. Sultan Salman Sapal, Board Member Yasser Ampatuan, at Datu Anggal Midtimbang Mayor Nathaniel Midtimbang.
Mula sa MILF-BIAF, dumalo rin si 118th Based Commander Ustadz Abdul Wahid Tundok at 128th Based Commander Ustadz Yasser Abdulkadir.
Matatandaang tatlo ang nasawi at apat ang sugatan kabilang na ang isang sibilyan nang magka engkwentro ang dalawang grupo noong nakaraang linggo sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha na nagresulta rin ng paglikas ng maraming residente sa lugar.



Comments