top of page

High-value individual, arestado sa Pantukan, Davao de Oro; ₱340K halaga ng shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado sa anti-illegal drugs operation ng awtoridad ang isang high-value individual, kung saan tinatayang ₱340,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam.


Kinilala ang suspek na si alyas “Boss,” na kabilang sa top 7 Regional-Level High-Value Individuals (HVI).


Isinagawa ang operasyon noong Martes, December 16, sa pangunguna ng Police Regional Office 11 (PRO 11).


Ipinatupad ng mga operating units ang isang search warrant mula sa Regional Trial Court 11 Branch 57 para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal drugs, at isang (1) malaking knot-tied plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang illegal drugs, na may kabuuang tinatayang timbang na 50 gramo.


Dinala ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya sa Pantukan MPS para sa dokumentasyon at karampatang legal na disposisyon. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa suspek sa paglabag sa RA 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page