BARMM ICM Abdulraof Macacua, pinasalamatan ang mga kawani; Pagtitipon, itinuring bilang paalala ng pasasalamat, pagkakaisa, at pagdiriwang ng sama-samang adhikain
- Diane Hora
- 48 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sinabi ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa kanyang mga kawani na ang bawat tagumpay ng OCM ay bunga ng mahahabang oras ng trabaho, tahimik ngunit tapat na serbisyo, at iisang layunin—ang mamuno nang may integridad at pananagutan.
Ayon sa opisyal, ang mga kalalakihan at kababaihan ng OCM ang patunay na ang mahusay na pamamahala ay nakaugat sa malinaw na pagpapahalaga at disiplina sa tungkulin.
Habang papalapit ang pagtatapos ng taon, ipinahayag din nito ang panalangin na nawa’y tanggapin ang mga naging pagsisikap ng bawat isa at patuloy na gabayan ang pamahalaan sa pangangalaga sa mga natamong bunga ng proseso ng kapayapaan. Binigyang-diin ni Macacua na ang pamamahalang nakabatay sa mga pinahahalagahan ay lumilikha ng tiwala—at ang tiwalang ito ang siyang nagpapatatag ng kapayapaan.
Itinuring ang okasyon bilang paalala ng pasasalamat, pagkakaisa, at pagdiriwang ng sama-samang adhikain. Kasabay nito, iginiit na magpapatuloy ang gawain ng OCM—matatag sa layunin, malinaw sa direksiyon—tungo sa isang #MasMatatagNaBangsamoro.



Comments