High-value individual, huli sa buy-bust sa Polomolok; suspected shabu at marijuana, nasabat ng operasyon
- Teddy Borja
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog sa operasyon ang isang high-value individual sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang suspected shabu at marijuana.
Naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Polomolok Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit ng South Cotabato PPO, at PDEA 12 ang isang high-value individual na si “Alias Jay.”
Narekober ang 6 na heat-sealed plastic sachets ng suspected shabu, 1 zip-lock sachet na may 50.1 grams ng suspected shabu, humigit-kumulang 4 grams ng suspected marijuana, at ₱1,000 buy-bust money.
Tinatayang halaga ng mga nakumpiska: ₱341,160.00
Ang suspek, 40-anyos at walang trabaho, residente ng Barangay Cannery Site, ay dinala agad sa Polomololok MPS kasama ang mga ebidensya para sa dokumentasyon at pagsampa ng kaso.



Comments