Higit sa dalawang libong residente ng Mother Kabuntalan at Northern Kabuntalan ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa tanggapan ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura
- Diane Hora
- Dec 11
- 1 min read
iMINDSPH

Tinungo ng tanggapan ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ang munisipalidad ng Mother Kabuntalan at Northern Kabuntalan upang maibahagi ang tulong pinansyal sa mga residenteng naapektuhan ng baha, katuwang ang DSWD.
Higit sa dalawang libong residente ng Mother Kabuntalan at Northern Kabuntalan ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa tanggapan ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura Personal na pinuntahan ni Governor Datu Tucao Mastura ang dalawang munisipalidad upang maipamahagi ang tulong sa mga residente nitong December 10, 2025.
Nakatanggap ng tig-₱5,000 ang humigit-kumulang dalawang libong indibidwal mula sa pamahalaang panlalawigan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).



Comments