Hijab making program ng LGU Sultan Mastura, nagtapos na; kultura, pagkakakilanlan, at women empowerment sa komunidad, mas napalalim pa ng programa
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamamagitan ng hands-on training at aktibong partisipasyon ng mga benepisyaryo, nagsilbing plataporma ang aktibidad upang mapaunlad ang kasanayan na maaaring magsilbing dagdag-kaalaman, kabuhayan, at pagpapahayag ng kultura.
Ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Sultan Mastura sa patuloy nitong suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan at kaunlaran ng kababaihan.
Ayon sa LGU, ang hijab making ay nagpalalim pa sa kultura, pagkakakilanlan, at women empowerment sa komunidad.
Pinangunahan ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Datu Armando Mastura Sr., katuwang sina Al-Hadi, Madam Bai Ronda Mastura, at Nene Kali, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibang nakatuon sa inclusive development at women-centered programs sa bayan.



Comments