Himas rehas ang isang 28-anyos na lalaki matapos mahuli sa buy-bust operation ng awtoridad, kung saan nasamsam ang mahigit ₱200,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu.
- Teddy Borja
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

28-anyos na lalaki, huli sa buy-bust operation sa Koronadal City, South Cotabato, kung saan nasamsam ang ₱204,204 halaga ng suspected shabu
Kinilala ang suspek sa alyas na “Greg,” residente ng Barangay Poblacion, Tampakan.
Isinagawa ang operasyon araw ng Martes, December 24, sa Barangay Zone III ng syudad.
Nasamsam mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 30.3 gramo, kasama ang ₱500 marked money na ginamit sa buy-bust.
Agad dinala ang suspek at ang nasamsam na gamit sa Koronadal CPS para sa dokumentasyon at paglilitis ng kaso.



Comments