House Bill No. 87 o ang Roll-Over Internet Data Act, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives
- Diane Hora
- Dec 8
- 1 min read
iMINDSPH

Naipasa na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 87 o “Roll-Over Internet Data Act.”
Pag naisabatas ang panukalang ito, obligado ang mga Internet Service Providers (ISPs) na mag implement ng Roll-over Data Allocation Scheme para sa kanilang prepaid at postpaid subscribers.
Ibig sabihin nito, hindi na masasayang ang mga unused mobile data subscription dahil magro-roll over lamang ito sa kanilang konsumo sa susunod na buwan.



Comments