Iba’t ibang serbisyo, hatid ni Mayor Datu Shameem Biruar Mastura at LGU Sultan Kudarat sa daan-daang residente ng Barangay Banatin sa pinalakas pa nitong programa na Bisita sa Barangay
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan mismo ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang "Bisita Barangay" program na isinagawa sa Barangay Banatin.
Daan-daang residente ang nakinabang sa medical services, pamamahagi ng gamot, libreng gupit, libreng sapatos na handog ng alkalde, at iba pang serbisyo na nagdulot ng kasiyahan sa mga residente.
Kasabay din ng aktibidad ay ibinahagi ng alkalde ang nalalapit nang implementasyon ng DSM Cares, isang programang pagsasanib-pwersa sa "LIMO Program" ng kanyang maybahay, Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Layunin nitong mapabilis ang emergency response at masigurong mabilis din ang pagpapaabot ng tulong medikal sa mga nangangailangan hanggang sa pagproseso ng kanilang hospital bills.



Comments