ICM Abdulraof Macacua, mainit na tinanggap ng mga Bangsamoro sa Zamboanga del sur sa ginanap na Consultative Assembly sa lalawigan
- Diane Hora
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Mainit ang naging pagtanggap ng mga bangsamoro community sa Zamboanga del Sur kay ICM Abdulraof Macacua sa pagbisita nito sa lalawigan nang pangunahan nito ang Bangsamoro Consultative Assembly, araw ng Huwebes, August 21 sa Mega Gymnasium, Pagadian City.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga ulama, security sectors, at mga lokal na opisyal kabilang sina Gov. Divina Grace Yu at mga kinatawan ng OPAPRU.
Binigyang diin ni Macacua na hindi dapat maputol ang ugnayan ng BARMM sa mga Bangsamoro communities na nasa labas ng core territory.
Ayon sa opisyal, nararapat lamang na dama rin aniya ng mga bangsamoro sa mga lugar na hindi sakop ng BARMM ang benepisyo ng kapayapaan, hustisya at kaunlaran.
Sa pagtitipon, namahagi si ICM Macacua ng mahigit 2,000 sako ng bigas para sa mga Bangsamoro families sa lalawigan.



Comments