Ika-23rd Founding Anniversary ng Sultan Mastura, pinaghahandaan na
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpatawag ng consultative meeting si Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, AlHadj, upang talakayin ang mga panukalang aktibidad para sa nalalapit na paggunita ng ika-23rd Founding Anniversary ng bayan.
Dinaluhan ang pulong ng mga opisyal mula sa Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, SK Chairpersons, mga department head, at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga planong aktibidad at ang mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang maayos at organisadong pagdiriwang ng anibersaryo.
Inaasahang maisasapinal ang mga aktibidad sa mga darating na araw upang masiguro ang maayos, planado, at makabuluhang mga programang isasagawa na sasalamin sa tunay na diwa ng selebrasyon at tagumpay ng bayan ng Sultan Mastura.



Comments