Ika-645 anibersaryo ng Sheikh Karimul Makhdum Day, ginunita sa BARMM
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nakiisa ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG sa paggunita kahapon ng ika-645 anibersaryo ng pagdating ni Sheikh Karimul Makhdum sa Pilipinas.
Noong 1380, dumating sa Pilipinas si Sheikh Karimul Makhdum dala ang layuning ipalaganap ang turo ng Islam.
Kilala siya sa pagtatag ng Masjid Sheikh Karimul Makhdum sa Simunul, Tawi-Tawi, ang pinakamatandang moske sa bansa.
Hanggang ngayon, matatag na nakatayo ang apat na natitirang haligi.
Ngayong taon, ginugunita ng Bangsamoro Government ang mahalagang kabanatang ito sa kasaysayan bilang special working holiday, alinsunod sa BAA No. 39.
Katuwang ang iba’t ibang sektor, pinangunahan nito ang taunang pagdiriwang bilang pagkilala sa pamana at kontribusyon ni Sheikh Karimul Makhdum.
Sa pangunguna ng Office of the Chief Minister ang Project TABANG ay muling nagpahayag ng dedikasyon nitong paglingkuran ang Bangsamoro at isabuhay ang mga pagpapahalagang habag, pagkakaisa at pagtutulungan sa mga prinsipyo na hango sa aral ng Islam at halimbawang ipinakita ni Sheikh Karimul Makhdum.



Comments