iMINDSPH

Bilang tugon sa panawagan ng ilang empleyado ng pharmaceutical company sa Cotabato City, hinggil sa kanilang sahod-
natanggap na ng mga ito ang kakulangan sa kanilang sweldo matapos mag issue ng settlement NG claim ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa ilalim ng liderato ni Minister Muslimin “Bapa Sema sa pamamagitan ng Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS) na pinangungunahan naman ng OIC Director Abdulrakman Nor.
Ang claim na nagkakahalaga ng P3,610.00 bawat empleyado ay na-settle, a-19 ng Pebrero sa MOLE Regional Office, Cotabato City.
Sa ilalim ng labor regulations, disputes hinggil sa final pay ay maaring i-settle sa pamamagitan ng “Single Entry Approach o SEnA.
Pangungunahan ng SEnA ang mandatory conciliation-mediation upang humantong sa amicable settlement ng dalawang partido.
ความคิดเห็น