top of page

Ilang guro sa Cotabato City, umatras sa pagsisilbi bilang Electoral Board sa halalan sa Lunes, ayon sa COMELEC sa lungsod dahil sa problema sa kalusugan

  • Diane Hora
  • May 6
  • 1 min read

iMINDSPH


PHOTO: Radyo Pilipinas


Apatnaraan at pitumpo’t pito ang kabuuang bilang ng mga guro na magsisilbing Electoral Board sa 159 clustered precincts sa Cotabato City sa darating na halalan sa Lunes, May 12.


Bawat presinto ay mayroong tatlong guro. Isa dito ang chairperson, poll clerk at third member.


Pero ayon kay Cotabato City Acting Election Officer Atty. Dindo Maglasang, may ilang guro na nag-withdraw o umatras sa pagsisilbi.


Dagdag ni Atty. Maglasang, plantsado na ang kanilang contingency plan sa ganitong sitwasyon.


Ilan sa mga tinukoy ng mga guro sa lungsod na umatras sa pagsisilbi sa halalan ay problema sa kalusugan.


Paki-usap ni Atty. Maglasang sa mga guro, magsabi nang mas maaga kung tutuloy o hindi sa pagsisilbi.


Ang guro na magsisilbi sa araw ng halalan ay tatanggap ng honorarium. 12,000 pesos para sa chairperson, at tig-11,000 pesos naman para sa poll clerk, at member.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page