Ilang indibidwal, ipinatawag ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kaugnay sa umano’y paniningil sa tornohan ng tricycle sa KCC
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinatawag ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang ilang indibidwal kaugnay sa diumano ay paniningil sa tornohan ng tricycle sa KCC.
Matatandaang nakuhanan ng video ang sinasabing paniningil sa tornohan ng tricycle kung saan ayon sa isang netizen ay nakasuot ng vest na may nakasulat na “Traffic” sa harapan at salitang “Marshall” naman sa likuran.
Agad ipinaabot ng alkalde ang impormasyon sa Traffic Management Center, Public Order and Safety Office at City PNP.
Nilinaw din nito na hindi uniporme ng mga Traffic Enforcers ng Cotabato City Government ang aniya’y suot ng mga taong nakuhanan ng larawan.
Narito ang kaganapan sa tanggapan ni Mayor Matabalao matapos aksyunan ng alkalde ang isyu.
Comments