Ilang paaralan sa Cotabato City, tinungo ng Australian Embassy, DepEd at MBHTE upang alamin kung paano nakakatulong ang Australian-Philippines partnerships sa transpormasyon ng early years education s
- Diane Hora
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Upang saksihan kung paano nakakatulong sa transformation ng early years education sa BARMM ang Australian-Philippines partnership, tinungo ng Australian Embassy Counsellor for Development Peter Adams at DepEd Undersecretary Ronaldo Mendoza ang Sultan Kudarat Islamic Academy Elementary Annex at LR Sebastian Elementary School.
Sumama din sa pagbisita ang mga MBHTE officials.
Nagbigay ng pagkakataon ang ginawang pagbisita para makapagdayalogo sa mga guro at school heads upang mapahusay pa ang kalidad ng edukasyon at kung nakakatulong ang Education Pathways to Peace in Mindanao o Pathways ng Australian Government sa priority areas ng ministry.
Kabilang sa mga hakbang ay ang implementasyon ng Islamic Studies at Arabic Language o ISAL curriculum, gayundin ang paggamit ng inclusive learning materials at tools, tulad ng Isla Maganda, storybooks na dineveloped ng Adarna House para sa Kindergarten hanggang Grade 3 o K-3 learners, at ang Bangsamoro K-3 Assessment Tool o BK3AT.
Ipinakita rin ng mga guro kung paano nakakatulong sa kanila ang capacity-building, training, at assessment tools para tutukan ang bawat mag-aaral sa classroom.



Comments