top of page

Iligal na drogang nagkakahalaga ng ₱15.4M, nasamsam ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa

  • Teddy Borja
  • Nov 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit ₱15.4 million na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa buong bansa.


Sa Cordillera Region, isinagawa apat na magkakahiwalay na operasyon para sa marijuana eradication ang isinagawa sa Kalinga at Benguet. Pinangunahan ng mga Municipal Police Stations, Provincial Drug Enforcement Units, RMFB15, at PDEA ang mga joint operations na nagresulta sa uprooting at onsite destruction ng 15,800 fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,160,000.


Sa Western Visayas naman, naaresto ang tatlong suspek—kabilang ang dalawang High-Value Individuals—sa buy-bust operation sa Brgy. Aldeguer, Sara, Iloilo.


Nakumpiska mula sa grupo ang 1,800 gramo o 1.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱12,240,000. Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong Sara Municipal Police Station.


Patuloy na nananawagan ang PNP sa publiko na suportahan ang kampanya kontra illegal drugs.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page