top of page

IMEG Advisory Chair Jesus Martinez, nagsuko ng 25 high-powered firearms, 70 rounds ng ammunition, 15 explosives, at 4 magazine sa isang seremonya sa Kampo Crame

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Personal na isinuko ni IMEG Advisory Chair Jesus Martinez sa PNP ang dalawampu’t limang high-powered firearms, pitumpong rounds ng ammunition, labing limang explosives, at apat na magazine sa isang seremonya sa Kampo Crame, araw ng Martes, December 9.


Ayon sa PNP, ang mga baril, na dati nang lisensyado ngunit itinuring nang “loose” dahil sa expired na permits, ay simbolo umano ng tiwala ni Martinez sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at ng kanyang matibay na suporta sa kampanya ng PNP laban sa loose firearms.


Sa press briefing, binigyang-diin ng PNP ang mahalagang papel ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa pagsusulong ng public safety at responsible firearm ownership.


Ang seremonya ay pinangunahan ni Acting Chief PNP Jose Melencio Nartatez.


Dumalo rin sa turnover ang ilang matataas na opisyal ng PNP at mga opisyal ng IMEG.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page