top of page

Impormasyon hinggil sa financing services para sa mga MSMEs patuloy na ibinabahagi ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo sa mga barangay ng Kalanganan, katuwang ang MTIT

  • Diane Hora
  • Aug 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ikalawang batch ng MSME Financing Forum na isinagawa ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo, sa pakikipagtulungan ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT).


Inipun muli ang mga may-ari ng maliliit na negosyo mula sa mga barangay ng Mother Kalanganan, Kalanganan I, at Kalanganan II.


Layunin ng forum na ipakilala sa mga micro, small, and medium enterprise (MSME) owners ang iba’t ibang financing services o pautang na kapital na makatutulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.


Isa-isang ipinaliwanag sa mga kalahok ang mga requirements at proseso para maging eligible sa mga lending programs ng Al-Amanah Islamic Bank at SB Corporation (SB Corp) — mga accredited financing partners ng MTIT.


Kasama rin sa aktibidad ang guidance session para sa mga negosyante sa pagkuha ng kinakailangang dokumento upang mas mapadali ang kanilang loan applications.


Ayon sa mga organizer, ang forum ay bunga ng naunang “Kumustahan sa Barangay” kung saan pangunahing hinaing ng mga residente ay ang pangangailangan sa suporta sa kabuhayan.


Nagpasalamat ang mga organizers sa Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua para sa kanyang buong suporta sa programa, gayundin sa pamunuan ng MTIT sa tulong para sa mga MSMEs, at sa mga barangay LGUs na naging katuwang upang maihatid sa mga residente ang mga oportunidad mula sa Bangsamoro Government.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page