Incentive Fund Projects sa mga lokal na pamahalaan sa BARMM, tinututukan ng MILG
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na bumisita ang mga kinatawan ng Ministry of the Interior and Local Government sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, upang makipagpulong kay Mayor Datu Armando Mastura Sr. kaugnay ng Incentive Fund Project na ipinapatupad sa bayan.
Tinalakay ng mga kinatawan mula sa MILG ang pisikal at pinansyal na estado ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng Incentive Fund.
Layunin ng Regional Technical Working Group na magsagawa ng on-site monitoring upang masuri kung naaayon ang implementasyon ng mga proyekto sa nakatakdang iskedyul.
Inabisuhan din ang LGU na ihanda ang lahat ng kaukulang dokumento para sa validation at tiyakin ang presensya ng mga opisyal na direktang kasama sa implementasyon.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa aktwal na monitoring ang Municipal Planning and Development Coordinator, Municipal Accountant, Municipal Engineer, LGU Focal Persons ng SEAL, LGAIP at SGLGIF, gayundin ang Municipal Local Government Operations Officer o kanilang kinatawan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at kahusayan sa pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng MILG Incentive Fund sa buong Bangsamoro region.



Comments