top of page

Incumbent Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, nagpapasalamat sa kanyang mga taga suporta at nangako na patuloy na tutulungan ang mga taga MagSur sa abot ng kanyang makakaya

  • Diane Hora
  • May 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa facebook post ng Agila ng Maguindanao-

Sinabi ng gobernador na isang mabigat na laban ang kanya aniyang hinarap at sinikap na panindigan ito.


Aniya, hindi biro ang kanyang pinagdaanan sa nakalipas na mga taon. Marami aniyang dapat baguhin sa probinsya at sinikap niya aniya ito at unti-unting napaganda ang lalawigan ng Maguindanao del Sur.


Umaasa si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na ipagpapatuloy ito ng mga susunod na lider.


Mawala man aniya siya ng pansamantala, nakalaan pa rin aniya sa mga taga Maguindanao del Sur ang kanyang puso at handa pa rin aniya siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.


Hindi man aniya siya pinalad sa katatapos na halalan, tuloy pa rin aniya ang laban. Hindi aniya dapat susuko at dapat mas lalo pa aniyang mahalin ang lalawigan ng Maguindanao del Sur.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page