Indigenous People’s Education, pinalalakas pa ng MBHTE
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Upang higit na mapalakas ang implementasyon ng K–12 curriculum sa Bangsamoro region, nagsagawa ng limang-araw na Professional Development Activity ang Bureau of Indigenous Peoples Education ng Ministry of Basic, Higher ang Technical Education noong November 3 hanggang November 7 sa Davao City.
Sa temang “Enhancing K–12 Pedagogies through Indigenous Knowledge, Values Education, and Inclusive Schools Approaches”, layon nitong palalimin pa ang pag-unawa ng mga kalahok sa Indigenous Peoples Education o IPED principles at kung paano ito maisasama sa sistema ng edukasyon sa Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng workshop sessions, hinikayat ang mga IPED focal persons, school heads at teachers mula sa iba’t ibang dibisyon ng MBHTE na paigtingin ang kanilang kakayahan sa pag-localize, contextualize at pag-indigenize ng lesson guides habang isinusulong ang inclusive education at gender sensitivity.
Ayon kay BIPED Director Judith Caubalejo, ipinapakita ng ganitong inisyatiba ang matatag na dedikasyon ng mga guro sa pagtataguyod ng edukasyong nakabatay sa kultura at pagkakakilanlan ng mga katutubong pamayanan.
Naging posible ang aktibidad sa suporta ng pamunuan ng MBHTE sa ilalim ng pamumuno ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal at iba pang opisyal ng ministry, katuwang ang Education to Pathways to Peace in Mindanao.



Comments