top of page

Inflation rate sa bansa, bumaba sa 21% sa buwan ng Pebrero mula sa 2.9 percent na inflation rate sa buwan ng Enero 2025 at mas mababa din kumpara sa 3.4% inflation noong Pebrero 2024

iMINDSPH



Sinabi ni PSA Deputy National Statistician Assistance Secretary Divina Grace De Prado, sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas, bumaba sa 2.1 percent ang inflation mula sa 2.9 percent nitong Enero.


Mas mababa rin ito kung ikukumpara sa 3.4% inflation noong Pebrero 2024.


Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food at non-alcoholic beverages kabilang ang bigas at kamatis, ayon pa sa report.


Katunayan, naging mabilis aniya ang pagbagal ng inflation sa bigas noong Pebrero na naitala sa -4.9%.


Nakaambag rin sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na inflation sa kuryente, renta sa bahay at LPG, dagdag pa sa report.


Ayon pa sa PSA, bumagal rin ang inflation sa gasolina at diesel.


Pagdating sa NCR, bumagal rin sa 2.3% ang inflation nitong Pebrero na nahatak ng pagbagsak ng presyo ng gulay gaya ng kamatis, bigas at isda.


Habang sa labas ng NCR, bumagal din ang inflation sa 2.0% mula sa 2.9% noong Enero ayon sa report.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page