top of page

Inihaing Manifestation with Entry of Appearance ng Office of the Solicitor General na magpatuloy sa papel nito bilang counsel sa respondent ng kaso sa ilalim ng G.R. No. 278747, pinagbigyan ng SC

  • Diane Hora
  • 8 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ito ay base sa Press Briefer na inilabas ng Supreme Court En Banc sa sesyon nito, araw ng Miyerkules, December 3, 2025.


Ayon sa SC, ang kaso ay nagsimula sa petisyon na inihain ni former President Rodrigo Roa Duterte at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa. Kinukuwestiyon sa petisyon ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte at ang kooperasyon ng gobyerno sa International Criminal Court o ICC.


Sa mga naunang proceedings, hiniling ng OSG na hindi kumatawan sa respondents ng kaso, na pinagbigyan naman ng Supreme Court sa pamamagitan ng resolusyong may petsa April 2, 2025.


Gayunman, nitong Lunes, December 1, 2025, ipinaalam ng OSG sa Korte Suprema na muli itong magsisilbi bilang counsel ng mga respondent at humiling ng mga kopya ng lahat ng kautusan ng Korte na may kinalaman sa kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page