top of page

Installation ni Bishop Charlie Malapitan Inzon, OMI, D.D. bilang Arsobispo ng Diocese of Cotabato, isinagawa ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng ika-76 taon na Patronal Fiesta ng Immaculada Concept

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Immaculada Conception, pormal ding isinagawa ngayong hapon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City ang installation ng bagong archbishop ng Diocese of Cotabato, si His Excellency The Most Reverend Charlie Malapitan Inzon, OMI, D.D.


Dumalo sa seremonya ang maraming parokyano, tagasuporta, kaibigan, pamilya, at mga pari mula sa iba’t ibang archdiocese.


Si Archbishop Charlie Inzon, ang pang-limang arsobispo ng Cotabato, ay ipinanganak noong Nobyembre 24, 1965 sa Putiao, Pilar, Sorsogon.


Naging kasapi siya ng Missionary Oblates of Mary Immaculate (O.M.I.) noong 1982 at nagbigay ng kanyang perpetual vows noong Setyembre 8, 1990.


Nagtapos siya ng philosophical studies sa Notre Dame University sa Cotabato City taong 1989 hanggang 1993 at ng theological studies sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University taong 1993 hanggang 1994, kung saan nagtamo siya ng master’s degree.


Nagpatuloy siya ng doctorate in psychology sa parehong institusyon taong 2002 hanggang 2008. Bago maging archbishop, pinamunuan niya ang Notre Dame of Jolo College mula 2010 hanggang 2014 at ang Notre Dame University sa Cotabato City taong 2014 hanggang 2018.


Ayon sa Archdiocese, ang kanyang pagtatalaga ay simbolo ng pagpapatuloy ng misyon ng simbahan sa Cotabato City sa paglilingkod sa Diyos at sa mamamayan, lalo na sa panahon ng mga hamon at isyung panlipunan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page