iMINDSPH

Isinagawa ng Datu Odin Sinsuat Local Government Unit ang Qunot Inter Barangay Calling of Azan Competition na isa sa mga programa at aktibidad ng LGU ngayong buwan ng ramadan.

Idinaos ito, a-16 ng Marso, 2025 sa Barangay Semba Covered Court, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nanguna sa kompetisyon si Samsudin Abdulguiabar mula Poblacion Dalican na may 96.50 puntos. Habang si Datu Lester Adil Malang ng Barangay Semba ang pumangalawa na may 95.75 puntos. Pumangatlo si Rahib Guiapal ng Barangay Linek na may 95.55 puntos.

Ang Calling of Azan Competition ay isa lamang sa mga programa at aktibidad na napapaloob ngayong banal na buwan ng Ramadhan na naihanda ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno at inisyatiba ni Mayor Datu Lester Sinsuat.
Ito ay taunang isinasagawa ng alkalde na nagsimula pa noong 2004.
Naging matagumpay ang programa sa pakikipagtulungan ng Datu Odin Sinsuat Religious Sector, Datu sa Dinaig Datu Ombra Sinsuat Alhadj at ng BLGU-SEMBA sa pamumuno ni Bai Majah Yusop-Sinsuat.
Комментарии