top of page

International Labour Organization at MOLE BARMM , nagpulong para palakasin ang labor programs sa rehiyon

  • Diane Hora
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa courtesy visit si International Labour Organization (ILO) Country Director Khalid Hassan kay MOLE Minister Muslimin Sema sa tanggapan ng ministry, araw ng Huweves, August 14-


Tinalakay ng dalawang opisyal na palalimin pa ang ugnayan sa pagitan ng ILO at MOLE, pagbahagi ng updates sa kasalukuyang mga programa ng ministry na naaayon sa mga prayoridad ng ILO, at tuklasin ang mga posibleng aspeto ng kolaborasyon sa hinaharap.


Sa panig ni Minister Sema, binigyang-diin nito ang adhikain ng MOLE na palawakin ang skills development at lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Bangsamoro.


Tinalakay din sa pagpupulong ang mga potential job-creating industries and resources sa rehiyon na maaring mapaunlad sa pamamagitan ng foreign support.


Pinuri naman ni Director Hassan ang mga nagawa ng BARMM. Aniya, nakahanda ang ILO na suportahan ang mga programa para sa labor force.


Nagkasundo rin ang dalawang panig sa kahalagahan ng pagkakaroon ng data management system para sa mas maayos na pagtukoy sa mga migrant workers at pagtutugma ng kanilang kakayahan sa tamang oportunidad.


Bukod dito, natalakay rin ang pagpapatuloy ng Child Labor Monitoring System (CLMS) at ang pagtutok ng MOLE sa pagpuksa sa mga pinakamalalang anyo ng child labor sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page