Investiture ni dating Member of Parliament, Atty. Paisalin Tago, bilang MSU System President, sinaksihan mismo ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua
- Diane Hora
- Aug 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sinaksihan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang investiture ni Atty. Paisalin Tago bilang ika siyam na MSU System President.
Sinabi ni Macacua na ang pagkakatalaga kay Tago ay patunay ng kanyang dedikasyon, integridad, at makabayang pamumuno—mga katangiang aniya’y kailangan ng MSU at ng Bangsamoro sa panahon aniyang ito ng pagbabago.
Dagdag ng opisyal, ang bagong liderato ni President Popoy Tago ay magdadala ng bagong pag-asa at inspirasyon sa buong unibersidad at sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.
Ang MSU System ay isang premier academic institution sa Mindanao na kilala sa pagpapalaganap ng inclusive at culture-sensitive education para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.



Comments