top of page

IRR ng Committee on Transportations and Communications ng BTA, aprubado na

  • Diane Hora
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Aprubado na ng Committee on Transportation and Communications (COTC) ang internal rules at procedures ng komite na magsisilbi umanong guiding framework para sa mga regular members ng Parliament sa muling pagbubukas ng komite pagkatapos ng halalan sa October 13, 2025.


Ayon sa mga mambabatas, layunin ng internal rules ng komite na matiyak ang maayos na paglipat ng tungkulin sa mga halal na miyembro upang kanilang maisakatuparan ang mga tungkuling pang-lehislatura.


Sakop ng komite ang mga usapin sa land, sea at air transportation, kabilang na ang seaports, airports at iba pang transport systems.


Tututukan din nito ang communication services tulad ng postal, telegraph, radio, cable, television at telephone.


Muling nagpulong ang komite ngayong araw sa pangunguna ni COTC Chairman Zulfikar-Ali Bayam at tinalakay ang 25 panukalang batas na isinumite para sa mas masusing pagrepaso.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page