top of page

Isa sa huling dalawang serye ng public consultations hinggil sa BARMM districting bills, isinagawa sa Maguindanao del Sur.

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

 iMINDSPH

ree

Nasa huling yugto na ng serye ng public consultations ang Bangsamoro Parliament hinggil sa panukalang paglikha ng 32 parliamentary districts sa buong rehiyon.


Isinagawa ang ikaanim na leg ng pagdinig araw ng Miyerkules, Disyembre 10, sa Maguindanao del Sur, at nakatakdang magtapos sa Maguindanao del Norte sa darating na Biyernes, Disyembre 12.


Sa Maguindanao del Sur, tinalakay ng mga mambabatas ang Parliament Bill Nos. 403, 407, 408, 411, at 415, na nagmumungkahing hatiin ang 24 na bayan ng lalawigan—na may kabuuang populasyon na 813,243—sa limang parliamentary districts.


Ayon kay Gov. Datu Ali Midtimbang, nakatulong ang konsultasyon upang mas maunawaan ng mga residente kung paano ang magiging district map. Idinagdag naman ni Vice Gov. Hisham Nando na mahalagang ang final districting plan ay sumunod sa Bangsamoro Organic Law (BOL) upang matiyak ang patas at balanseng representasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page