top of page

Isang lalaki at isang babae ang timbog sa buy-bust operation ng awtoridad sa Glan, Sarangani Province; ₱85,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa operasyon.

  • Teddy Borja
  • 1 hour ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Huli ng awtoridad ang isang babae at isang lalaki sa buy-bust operation kung saan nasamsam ang ₱85,000 halaga ng suspected shabu.


Kinilala ang mga suspek na si alyas “Kathy”, 27-anyos, residente ng General Santos City, at si alyas “Martin”, residente ng Glan.


Ayon sa PNP PRO 12, nasamsam sa kanila ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 12.584 gramo, ₱1,000 marked money, at isang motorsiklo.


Agad dinala ang mga suspek at ang nasamsam na gamit sa Glan MPS para sa proper documentation at kaukulang kaso.


Ayon kay PRO 12 Regional Director PBGEN Arnold Ardiente, ang operasyon ay patunay ng pagtutok ng PNP sa pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na droga.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page