Isinusulong na Shariff Kabunsuan Shrine Act, sumalang na sa unang pagbasa sa BTA Parliament
- Diane Hora
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal nang inihain at sumalang sa unang pagbasa sa BTA Parliament ang BTA Bill No. 358 o ang Shariff Kabunsuan Shrine Act.
Sa panukala, itatayo ito sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City bilang pagkilala sa historical role ni Shariff Kabunsuan sa pagpapakilala ng relihiyong Islam sa mainland Mindanao.
Ang panukalang batas ay iniakda ni Member of the Parliament Lanang Ali Jr., ay naglalayong isulong ang cultural preservation, historical education, at kapayapaan.
Base sa explanatory note nito, ang shrine ay magsisilbing historical landmark at center for Islamic studies, research, at cultural tourism.
Sa ilalim ng proposed measure, ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage o BCPCH ang tututok sa governance at administration ng shrine.
Ang komisyon din ang magda-draft ng implementing rules and regulations para sa operasyon nito.
Manggagaling naman sa annual appropriations for public works ang pondo para sa pagpapatayo shrine.
Comments