iMINDSPH

Saan mang sulok ng Pilipinas-
Ipinag-utos ng Land Transportation Central Office sa kanilang regional at district offices na kilalanin ang issued driver’s license, motor vehicle registration renewals at miscellaneous transactions ng Bangsamoro Land Transportation Office.

Ito ang nilalaman ng Memorandum na inisyu ng LTO na may petsa na February 10, 2025.

Nauna nang kinilala ng LTO ang issued driver’s license, motor vehicle registration renewals at miscellaneous transactions ng Bangsamoro Land Transportation Office sa serye ng kasunduan sa pagitan ng MOTC BARMM.
Pero muling sinubok ang usapin nang butasan ng isang personnel ng LTO sa Maynila ang driver’s license ng isang residente mula sa BARMM dahil ito umano ay peke.
Nakasaad sa Memorandum na mananagot ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan.
Comentarios