Kahon-kahon na mga ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P27.6M, nakumpisa ng PNP CIDG sa Bulacan at Bataan; Chinese national at isang babae, arestado!
- Teddy Borja
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng awtoridad ang 27.6 million pesos na halaga ng ilegal na sigarilyo kung saan arestado ang isang Chinese national at isang babae.
Isinagawa ng CIDG Regional Field Units 4A at 3, ang operasyon, noong Nobyembre 5, 2025.
Kasama sa operasyon ang Bataan Provincial Field Unit, ang operasyon na nagresulta sa pagka-aresto sa isang 39-anyos na lalaking Chinese sa isang warehouse sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan, at isang 41-anyos na babae sa Brgy. Panilao, Pilar, Bataan.
Nakumpiska ang 384 master cases ng assorted tobacco products na nagkakahalaga ng Php 26,880,000.00 sa Bulacan at Php 730,100.00 na halaga ng sigarilyo sa Bataan.
Ang matagumpay na operasyon ay sumasalamin din ayon sa PNP sa pangunahing prayoridad ng PNP Focused Agenda na Enhanced Managing Police Operations, na nagsisiguro ng epektibong pagpaplano, pagpapatupad, at koordinasyon ng mga operasyon ng pulisya upang maprotektahan ang kapakanan ng publiko.



Comments