Kalabaw at baka, ipinamahagi ng Basilan Provincial Government bilang suporta sa Magtanah Program.
- Diane Hora
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpapasalamat ang mga residente ng mga bayan ng Tipo-Tipo, Tuburan, Ungkaya Pukan, Sumisip, at Hji. Mohammad Ajul ng Basilan dahil kabilang sila sa mga tumanggap ng kalabaw at baka mula sa Magtanah Program ng Provincial Government ng Basilan.
Labing-limang kalabaw at baka ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Pinangunahan mismo ni Basilan Gov. Mujiv Hataman ang Cattle and Carabao Dispersal sa Sumagdang, Isabela City, araw ng Sabado, November 15, katuwang ang Office of the Veterinarian.
Ang inisyatibong ito ay mahalagang bahagi ng Magtanah Program — “Magtanim Para May Hanapbuhay,” isang programang nagbibigay ng subsidy, agricultural inputs, at market support sa mga magsasaka at maging sa mga nag-aalaga ng hayop.
Ayon sa LGU, ang mga napiling benepisyaryo ay dumaan sa proseso ng validasyon at direktang konsultasyon sa ilalim ng "Usap Tayo, Gob" program ng provincial government.
Ang livestock dispersal ay isa sa mga pangunahing aktibidad ng Basilan HELPS, partikular sa component na “L o Livelihood,” na nakatuon sa pagbibigay ng oportunidad at suporta sa kabuhayan ng bawat mamamayan ng lalawigan.



Comments