top of page

Kalusugan at nutrisyon, patuloy na tinututukan ng Basilan Provincial Government

  • Diane Hora
  • Dec 3
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Tunay na ang kalusugan ay kayamanan, kaya naman sa ginanap na Joint Provincial Local Health Board at Provincial Nutrition Council meeting kahapon, December 2, mas tututukan pa ng Provincial Government ng Basilan ang kalusugan at nutrisyon.


Inilatag ang sitwasyon at update sa Universal Health Care at mga kailangang polisiya, estado ng Basilan Medical Center bilang isang Level 2 hospital, at mga update sa mga programa mula sa MBHTE Basilan Division sa ilalim ng Provincial Nutrition Council.


Sa forum naman, tinalakay ang agarang hakbang upang palakasin ang primary care, suportahan ang hospital capacity, at ayusin ang data-anchored barangay-level nutrition work.


Upang mas mabilis ang serbisyo, mas maayos ang pag-aalaga, at mas malusog ang mga mamamayan, tuloy din ang koordinasyon ng probinsya at mga health workers.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page