iMINDSPH
Umabot sa 374 ang kabuuang bilang ng mga senatorial aspirants at mga party-list groups na naghain ng Certificate of Candidacy para sa 2025 elections.
Sa tala ng COMELEC, 374 ang kabuuang bilang ng mga senatorial aspirants at mga party-list groups na naghain ng kandidatura para sa Halalan 2025 sa nagdaang walong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa COMELEC na isinagawa sa Manila Hotel Tent City.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, tumaas ang bilang ng mga isinumiteng Certificate of Candidacy para sa pagka-senador na umabot sa 184, kumpara sa 176 noong 2022 at 153 noong 2019.
Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga Party-List na lalahok sa halalan sa 190 ngayong 2025, mula sa 270 noong 2022, ngunit bahagyang mas mataas pa rin kaysa sa 185 na isinumite noong 2019 ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.
Comments