KAPYANAN, nakiisa sa pagtatapos ng 18-Day Campaign to End VAW
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng kababaihan, nakibahagi ang Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program sa culmination activity ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na ginanap noong December 12, 2025.
Isinagawa ang programa sa Office of the Chief Minister Grounds at dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng BARMM at MOAs.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang panawagan para sa kapayapaan, proteksyon, at karapatan ng kababaihan at kabataan.
Ibinahagi rin sa programa ang kahalagahan ng pagtataguyod ng Islamic values tulad ng paggalang, malasakit, at dignidad para sa lahat bilang pundasyon sa pagwawakas ng karahasan sa pamayanan.
Panawagan ng KAPYANAN Program ang pagkakaisa ng bawat sektor ng lipunan upang tuluyang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan, alinsunod sa mga turo ng Islam.



Comments