top of page

KAPYANAN, nakikiisa sa pagdiriwang ng Mindanao Week of Peace

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa paggunita ng Mindanao Week of Peace, na may temang “Multi-faith in Families and Youth: Hand-in-hand for Peace, Harmony, and Justice in our Homeland,” muling pinaalalahanan ang buong Bangsamoro tungkol sa kahalagahan ng kapayapaan, paggalang, at mas malalim na pag-unawa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa pananampalataya, kultura, at paniniwala.


Bilang programang nakatuon sa kapayapaan at kaunlaran sa mga pamayanan, aktibong nakiisa ang Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Program sa selebrasyong ito upang itaguyod ang diwa ng pagkakaisa.


Bahagi ng kanilang layunin ang pagtitibay ng relasyon ng bawat pamilya, kabataan, at komunidad tungo sa mas mapayapa at makatarungang Bangsamoro.


Mahalagang paalala ng pagdiriwang na ang tunay na kapayapaan ay nakukuha sa sama-samang pagkilos kapag ang bawat isa ay kumikilos nang may paggalang, pagmamahal, at malasakit sa kapwa, ano man ang kanilang pinagmulan o paniniwala.


Patuloy din umanong magtulungan at magsikap para sa mas magandang bukas kung saan ang bawat indibidwal ay mamumuhay ng maayos at maunlad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page