KAPYANAN Program, nakikiisa sa paggunita ng 18-Day Campaign to End VAW
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang suporta sa 18-day Campaign to End Violence Against Women, na ginugunita mula sa November 25 hanggang December 12 ngayong taon, muling nanindigan ang Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN PROGRAM ng Office of the Chief Minister sa kanilang pangako na ipalaganap ang kapayapaan at pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata.
Ayon sa KAPYANAN, magsilbi sana itong paalala sa lahat sa kalagahan ng kolektibong aksyon upang labanan ang gender-based violence.
Sa ilalim ng Moral Governance Framework ng BARMM, na naninindigan sa pagrespeto sa dignidad ng tao, hustisya at gender equality, kaisa ang KAPYANAN sa mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang ligtas na komunidad.



Comments