top of page

Konstruksyon ng 2 silid-aralan sa Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, sisimulan na

  • Diane Hora
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na isinagawa noong Disyembre 20, 2025, ang groundbreaking ceremony para sa Project No. 24-SF13MN055, ang konstruksyon ng isang isang-palapag na gusaling pang-paaralan na may dalawang silid-aralan na magsisilbi sa basic at madaris education sa komunidad.


Ang proyekto ay isang inisyatiba ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na pinondohan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa pamamagitan ng tanggapan ni Susana Salvaddor-Anayatin, Miyembro ng Parlamento ng Bangsamoro.


Isinasakatuparan ang proyekto ng Ministry of Public Works (MPW), bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imprastrakturang pang-edukasyon sa rehiyon.


Dumalo sa seremonya si Datu Armando Mastura, Sr., kasama ang mga opisyal ng Barangay Local Government Unit (BLGU), mga guro mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), at mga kinatawan ng Office for Settler Communities (OSM).


Ayon sa mga opisyal, ang bagong gusali ng paaralan ay inaasahang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at angkop na learning environment para sa mga mag-aaral, kasabay ng pagsusulong ng inklusibong edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng parehong pormal at madaris na pagkatuto.


Ang proyekto ay patunay ng patuloy na pagtutok ng Pamahalaang Bangsamoro sa edukasyon bilang pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga pamayanan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page