top of page

Konstruksyon ng dalawang palapag na SB hall, training center, at municipal plaza sa Sultan Mastura Municipal compound, sisimulan na

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

 iMINDSPH


ree

Itatayo sa loob ng Sultan Mastura Municipal compound ang dalawang palapag na Sangguniang Bayan hall, training center, at municipal plaza. Ininspeksyon na ni Mayor Datu Armando Mastura Sr. ang lugar na pagtatayuan ng mga proyekto.

Ininspeksyon ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura Sr., noong Miyerkules, ang lugar na pagtatayuan ng dalawang palapag na Sangguniang Bayan hall, training center, at plaza sa loob ng municipal compound.


Inaasahang sisimulan ang mga ito kapag ganap na maaprubahan at mailaanan ng pondo sa taong 2026.


Layon ng masusing inspeksyon na tiyaking handa ang bawat lugar at masiguro na ang mga proyektong ito ay magiging angkop, epektibo, at tugma sa pangmatagalang direksyon ng lokal na pamahalaan.


Sa patuloy na pagtutok ng pamunuan, ipinapakita ng LGU Sultan Mastura ang pagsusumikap nitong maglatag ng mga inisyatiba na magpapalakas sa serbisyo publiko at mag-aangat sa kaunlaran ng bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page