Konstruksyon ng Matutum Pines Medical Hospital sa Tupi, South Cotabato, sinimulan na
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Masayang ibinalita ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na sinimulan na ang konstruksyon ng Matutum Pines Medical Hospital sa Tupi, South Cotabato.
Ayon sa gobernador, isa itong mahalagang hakbang upang makapag-offer na rin ng libreng medical courses ang Southeast Asian Institute of Technology o SEAIT para sa mga kabataang gustong maging doktor, nurse, o health professional ngunit walang kakayahang magbayad ng mahal na matrikula.
Sa pakikipagtulungan ng private sector, umaasa ang opisyal na maabot aniya ang pangarap ng isang South Cotabato na may sapat na health professionals, produkto ng libreng edukasyon at tunay na malasakit.



Comments