Konstruksyon para sa permanent fencing sa lugar na pagtatayuan ng Bangsamoro Government Center sa Parang, Maguindanao del Norte sisimulan na
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa na ang groundbreaking ceremony ng itatayong permanent fencing sa itatayong Bangsamoro Government Center sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.
Itinuturing na isang makasaysayang hakbang ang seremonyang ito tungo sa pagtatayo ng bagong sentro ng pamahalaan na magsisilbing simbolo ng paglago at mas pinatibay na pamumuno sa bayan ng Parang.
Ayon sa LGU, ang proyekto ay hindi lamang magsisilbing imprastruktura kundi magsasakatawan din sa patuloy na pag-angat ng pamamahala at serbisyo publiko para sa mga mamamayan.
Ang pagtatayo ng permanent fencing ay unang yugto ng mas malawak na plano para sa Bangsamoro Government Center, na inaasahang magiging sentro ng mga programa at serbisyong magpapalakas sa pamahalaan at komunidad sa rehiyon.



Comments