Konsultasyon hinggil sa BARMM-Wide Internet Connectivity Project, ikinasa ng LGU at mga barangay officials
- Diane Hora
- 4 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa na ng LGU Cotabato City at mga opisyal ng barangay ang konsultasyon hinggil sa “BARMM-Wide Internet Connectivity Project” matapos ang Committee Hearing ng Communication and Digitalization ng Sangguniang Panlungsod.
Layon ng proyekto na magpatupad ng Free WiFi sa lahat ng barangay sa lungsod upang mapalawak ang akses ng mamamayan sa impormasyon, edukasyon, at iba pang online na serbisyo.
Kasunod nito, agad isinagawa ang konsultasyon noong Agosto 4, 2025.
Pinangunahan nina MILG City Director Egay Padolina at Cotabato City Information Technology Officer Bem Dimacisil ang pagpupulong, katuwang ang Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO-BARMM), na siyang pangunahing magpapatupad ng inisyatiba. Dumalo rin mula sa konseho ng Cotabato City si Councilor Faidz Edzla.
Bahagi ito ng adbokasiya ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa Cotabato City noong kampanya para sa pagpapalakas ng digitalization at paggamit ng makabagong teknolohiya bilang suporta sa kaunlaran.
Tinalakay sa konsultasyon ang mga barangay na uunahing lagyan ng koneksyon.
Comentários