Krimen sa bansa, bumaba pa ayon sa PNP, partikular ang rape, physical injury, at murder
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagbaba ng Focus Crimes mula Oktubre hanggang Nobyembre 2025.
Ayon sa PNP, nagpapakita umano ito ng positibong resulta ng mas pinaigting na operational strategies sa ilalim ng PNP Focus Agenda.
Base sa rekord ng PNP, mula sa 3,001 insidente noong Oktubre, bumaba ito sa 2,615 noong Nobyembre. May kabuuang 386 kaso ang ibinaba o 12.86 porsyento. Binigyang-diin ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr. na malinaw na indikasyon ng mas pinaigting na presensya ng pulis, mas maayos na intelligence operations, at mas matatag na polisiya sa pagpapatupad ng batas ang mga naitalang datos.
Sa walong Focus Crimes, nagtala ng pinakamalaking pagbaba ang Rape, Physical Injury, at Murder. Ang Rape ang may pinakamalaking pagbaba, mula 550 kaso noong Oktubre bumaba ito sa 356 kaso o 35.27%.
Ang Physical Injury ay bumaba ng 65 kaso, mula 377 hanggang 312 o 17.24%, habang ang Murder ay bumaba ng 40 kaso, mula 282 hanggang 242 o 14.18%.
Ang Theft, na karaniwang may pinakamataas na bilang ng insidente, ay bumaba rin ng 110 kaso, mula 1,173 hanggang 1,063 o 9.38%.
Ang tuloy-tuloy na pagbaba ng krimen sa bansa, ayon sa PNP, ay nagpapakita ng maayos at planadong enforcement efforts.
Sa cybercrime, bumaba rin ayon sa PNP ang insidente mula 379 noong Oktubre hanggang 311 noong Nobyembre—17.94 porsyento o 68 kaso.



Comments