top of page

Kumander mula sa Mamasapano, Maguindanao del Sur, arestado ng awtoridad sa kasong murder at attempted murder habang nagpapagamot sa ospital

  • Teddy Borja
  • Aug 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado habang nagpapagamot sa ospital ang isang kumander mula sa Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur sa kasong murder at attempted murder.


Sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ng RTC, 12th Judicial Region, Branch 15, Shariff Aguak, Maguindanao noong Setyembre 16, 2024, inaresto ang akusadong si alyas “Ali Akbar”, na kilala rin bilang “Commander Endo”, 35 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur.


Inaresto ito alas-9:30 kagabi, August 10, 2025 sa loob ng Cotabato Regional and Medical Center sa Rosary Heights 10, Cotabato City.


Pinangunahan ng Tracker Team ng CIDG Maguindanao PFU ang operasyon, katuwang ang iba pang law enforcement units.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong murder habang 120 thousand pesos naman ang inirekomendang piyansa ng korte sa kasong attempted murder.


Kasalukuyang nasa hospital arrest ang akusado sa Cotabato Regional and Medical Center at isasailalim sa medical at physical examination. Nasa kustodiya na siya ng himpilan at ihaharap sa nagpalabas na hukuman kasama ang mga na-serve na warrants.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page