iMINDSPH
Kinakailangan na ipagpatuloy ang laban para sa Bangsamoro, para sa Bangsamoro homeland.
Ito ang sinabi Basilan incumbent Governor Jim Salliman-Hataman sa kanyang talumpati sa ginanap na endorsement ng UBJP ng kanilang local candidates para sa 2025 elections.
Kakandidato na bise gobernador ang opisyal sa darating na halalan at sasabak naman sa gubernatorial race ang kanyang anak. Inendorso na rin ang pambato ng UBJP sa Basilan.
Pormal nang ipinakilala ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang mga pambato ng partido sa lalawigan ng Basilan sa ginanap na endorsement ng local candidates araw ng Sabado.
Sa congressional race, kandidato ng UBJP si Yusop Alano.
Kakandidato naman na gobernador si Atty. Jimael Hataman Salliman at vice governor nito ang kanyang ama na kasalukuyang gobernador ng probinsya, Hadjiman “Jim” Hataman Salliman.
Sa 1st district board members-
Kabilang sa listahan sina 𝐍𝐀𝐒𝐒𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐈𝐍, 𝐀𝐋𝐋𝐀𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐇𝐈𝐄 𝐋𝐔𝐈𝐒 𝐁𝐈𝐄𝐋, 𝐀𝐇𝐌𝐀𝐃 𝐀𝐋𝐈 𝐈𝐒𝐌𝐀𝐄𝐋.
Sa second district naman- ito ay kinabibilangan nina 𝐊𝐇𝐀𝐙𝐌𝐈𝐑 𝐀𝐒𝐀𝐑𝐔𝐋, 𝐌𝐀𝐑𝐖𝐀𝐍 𝐇𝐀𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍, 𝐍𝐔𝐑𝐊𝐇𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐓𝐀𝐑𝐔𝐋 at 𝐊𝐄𝐄𝐌𝐇𝐀𝐑 𝐉𝐀𝐘 𝐑𝐄𝐘𝐍𝐎𝐍 𝐒𝐀𝐊𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐔𝐋.
Comments