top of page

Labor inspection, isinagawa ng MOLE BARMM kaugnay sa bagong Wage Order at OSHS Compliance sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • Aug 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ikinasa ng MOLE BARMM ang labor inspection sa sampung (10) pribadong establisyimento sa lungsod mula Hulyo 28 hanggang Agosto 1, 2025.


Ang inspeksyon ay isinagawa sa ilalim ng Labor Enforcement and Advisory Program (LEAP) ng MOLE, na nakatuon sa pagsusuri ng General Labor Standards (GLS) at Occupational Safety and Health Standards (OSHS) compliance.


Partikular na binigyang pansin ang tamang pagbabayad ng sahod at ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay ng bagong minimum wage sa ilalim ng Wage Order No. BARMM-04.


Pinangunahan ng mga opisyal mula sa Regulatory Standards and Enforcement Division (RSED) sa ilalim ng Bureau of Labor Relations and Standards (BLRS) ang serye ng inspeksyon, sa pamumuno ni Officer-In-Charge Director Abdulrakman Nor.


Ayon sa MOLE, naging mahalaga ang face-to-face na pakikipag-ugnayan ng mga labor inspector sa mga employer para itaguyod ang kaalaman sa umiiral na labor regulations, partikular sa kaligtasan sa trabaho at kapakanan ng mga manggagawa.


Sa direktiba ni Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema, patuloy ang MOLE sa pagpapalakas ng mekanismo para sa makatarungan at ligtas na paggawa sa lahat ng pribadong negosyo sa rehiyon.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page