top of page

Labor Relations, Human Relations, and Productivity (LHP) at Emergency Disaster Control Program (MEDCP) orientation seminar, isinagawa ng MOLE sa Tawi-Tawi

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Ikinasa ng MOLE BARMM ang Labor Relations, Human Relations, and Productivity o LHP at Emergency Disaster Control Program o MEDCP orientation seminar para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises sa Tawi-Tawi.



Isinagawa ang training mula May 30 hanggang May 31 sa Bongao, Tawi-Tawi.



Sa ilalim ng LHP, isinailalim sa orientation ang mga representante ng iba't ibang local establishments hinggil sa General Labor Standards kung saan tinalakay ang employee rights, wage rules, at working conditions.



Bilang suporta sa GLS, ibinahagi rin ang usapin hinggil sa government-mandated benefits na pinangunahan ng mga representante mula sa PhilHealth, Pag-IBIG, at SSS. Ipinaliwanag ng mga ahensiya ang scope at access ng kani-kanilang mga serbisyo.


Binigyang diin naman ng Human Relations ang impormasyon hinggil sa effective communication, conflict resolution, at workplace harmony.


Tinalakaay din ang usapin hinggil sa productivity kabilang ang mga tools at strategies para mapahusay ang performance sa kani-kanilang mga trabaho.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page